Dalaga ni-rape saka sinunog ng adik

KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Pinaniniwalaang hinalay muna saka pinatay at sinunog ang isang 22-anyos na dalaga ng adik na traysikel drayber matapos na matagpuan ang bangkay ng biktima sa liblib na pook na sakop ng Barangay Niyugan, Angat, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na basag ang mukha nang matagpuan ay nakilalang si Aberdeen Pasion ng Barangay Malamig, Bustos, Bulacan, samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay kinilalang si Joseph Canetes, 42, ng Brgy. Tibagan Dos sa bayang ito

Sa ulat ni P/Chief Insp. Tom de Armas, hepe ng pulisya sa bayang ito, nang sumakay ng traysikel bandang alas-7:30 ng gabi ang biktima kasama ang kaibigang si Bea Pelochi na naunang bumaba.

Kinabukasan na nadiskubre ang bangkay ng biktima na pinalalagay na napagtripan ng suspek na isagawa ang maitim na balak. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments