2 obrero todas, 2 grabe sa landslide
November 27, 2002 | 12:00am
CALAUAG, Quezon Dalawang construction worker ang kumpirmadong namatay, samantalang dalawang iba pa ang malubhang nasugatan matapos na matabunan ng lupang kanilang hinuhukay sa isang construction site na sakop ng Barangay Sta. Maria sa bayang ito, kahapon ng umaga.
Nakilala ang mga namatay na sina Norman Targa, 23; at Jupiter Baron, 20, kasalukuyan namang ginagamot sa St. Peter Hospital sina Manuel Targa at Rey Querubin.
Binanggit sa ulat na dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang pangyayari habang nasa kasagsagan ng malakas na ulan. Hinuhukay umano ng mga biktima ang pundasyon ng dalawang-palapag na gusali na pag-aari ni Antonio Lim Paraiso na katabi lamang ng burol nang biglang gumuho ang malambot na lupa na tumabon sa mga biktima.
Dahil sa mabilis na pagkilos ng iba pang manggagawa ay pinilit na iahon ang mga biktima buhat sa landslide site ngunit agad ding namatay ang dalawang biktima. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest