Judge na pumatay ng driver kinasuhan

ANTIPOLO CITY – Sinampahan na kahapon ng pulisya ng kasong murder at illegal possesion of firearms ang isang judge na bumaril at nakapatay ng isang driver matapos magtalo sa trapiko kamakalawa.

Ayon kay Antipolo police chief, Supt.Jose Dayco,bahala na umano si Assistant City Prosecutor Mario Luna kung ibaba ang kaso sa homicide laban kay Judge Francisco Querubin ng Antipolo City RTC Branch 74.

Sinampahan rin ito ng illegal possesion of fire arms matapos hindi makapagpakita ng lisensiya baril nitong kalibre 357 na ginamit nito sa pamamaril sa nasawing si Gerardo Martinez,driver ni Mayor Angelito Gatlabayan.

Show comments