Senglot nang-alaska pinatay ng albularyo
November 25, 2002 | 12:00am
TAGKAWAYAN, Quezon Dahil sa pagiging alaskador ng isang 55-anyos na mister kapag nalalango sa alak ito ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng albularyo na napikon sa biktima sa Barangay San Isidro sa bayang ito kamakalawa ng tanghali.
Si Romeo Recafranca, may asawa ay nagtamo ng hindi nabatid na bilang ng bala ng baril sa katawan na ikinasawi nito, samantala, boluntaryong sumuko sa pulisya ang suspek na si Honorio de Mesa, 60, at residente ng Barangay Poblacion.
Kasalukuyang nanggagamot ang suspek nang mapadaan ang biktima na senglot at inalaska ang albularyo na hindi nito mapapagaling ang mga kliyente.
Napag-alaman sa pagsisiyasat ni SPO1 Wilfredo Castillo na hindi pinansin ng albularyo ang pang-aalaska ng biktima hanggang sa tutukan na siya ng baril ngunit kaagad namang naagaw ng suspek.
Dito na nagbunot ng patalim ang biktima kaya inunahan na ng suspek na paputukan. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest