Lady mayor timbog sa high powered guns
November 23, 2002 | 12:00am
BANGUED, Abra Isang babaeng mayor ng isang bayan dito ang dinakip matapos mahulihan kamakalawa ng matataas na kalibre ng baril at bala nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Abra PNP at Criminal Investigation and Detection Group ang bahay nito sa Tubo.
Dinakip si Tubo Mayor Wilma Gatud matapos makumpiskahan ng dalawang baby armalite, isang kalibre 45 at mga bala ng M16 na umabot sa 150 piraso sa loob ng kanyang bahay.
Ang raid ay isinagawa matapos makakuha ng search warrant mula kay Judge Ferdinand Fe ng Regional Trial Court Branch 67 sa La Union.
Ang raid ay pinamunuan ni Superintendent Generoso Bonifacio, Regional Officer ng CIDG sa Cordillera Administrative Region.
Nanawagan din ang mga Abreños kay Chief Supt. Eduardo Matillano, director ng CIDG na pag-ibayuhin pa ang kampanya laban sa mga goons at illegal na baril dito sa Abra dahil napakaraming illegal na baril ang "lantarang nakatago" sa mga pulitiko at maimpluwensiyang tao dito.(Ulat ni Myds Supnad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest