Misis hinostage at pinatay sa sakal ni mister
November 22, 2002 | 12:00am
LEGAZPI CITY Isang misis na bagong panganak ang iniulat na hinostage muna saka pinatay sa sakal ng sariling mister na pinaniniwalaang na-praning habang ang biktima ay nasa loob ng kanilang bahay sa Barangay Bariis sa lungsod na ito kahapon ng umaga.
Ang biktima na may nakapalupot pang bakal sa leeg nang matagpuan ay nakilalang si Lorna Andes, 35, samantala, ang suspek na mister na isinugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital dahil sa tama ng bala sa puwet mula sa mga nagrespondeng sundalo ay nakilalang si Juan Andes Jr., 40, walang trabaho at kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Batay sa ulat na isinumite kay P/Supt. Francisco Uyami, hepe ng pulisya sa lungsod na ito, naganap ang pangyayari dakong alas-9 ng gabi makaraang magkulong sa kuwarto ang mag-asawa sa hindi nabatid na dahilan.
Nabahala ang kasambahay ng mag-asawa kaya humingi ng saklolo kay Brgy. Chairman Samuel Armario kaya tinawag naman ang dalawang sundalo na sina T/Sgt. Perfecto Villaranda at Corporal Dalmacio Domdom ng 22nd Infantry Battalion ng Phil. Army.
Mabilis namang pumasok ang dalawang sundalo sa bahay ng mag-asawa upang maisalba ang babae pero pinagbabato sila ng bote ni Juan kaya napilitang barilin sa ibabang bahagi ng katawan.
Sinabi ng ama ng babae na bago pa maganap ang pangyayari ay may kakaibang ikinikilos ang suspek simula nang dumating sa bahay kasama ang anak mula sa ospital at malimit na mamataang nagsasalitang mag-isa. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest