Misis na kakalas sa kalaguyo tinodas

BACOOR, Cavite – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 32-anyos na misis ng kanyang kinakasamang lalaki makaraang magpahiwatig ang biktima na makipagkalas sa huli kamakalawa ng gabi sa Brgy. Talaba Tres sa bayang ito.

Idineklarang patay sa St. Dominic Hospital si Gorgonia Udtuan ng nabanggit na barangay, samantala, ang suspek na si Alfredo Caceres ng Barangay Talaba Siyete, Bacoor, Cavite ay mabilis na tumakas.

Naitala ni SPO1 Walter Basto ang krimen dakong alas-9:30 ng gabi nang dumating ang suspek at kinompronta ang biktima tungkol sa planong pagkalas sa kanilang relasyon.

Dahil dito ay nairita ang suspek hanggang sa magkasagutan at naganap ang krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments