2 paslit dedo sa salpok ng dyip
November 21, 2002 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Dalawang paslit ang kumpirmadong nasawi, samantala, isa pa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang salpukin ng owner-type jeep habang ang mga biktima ay naglalaro sa gitna ng kalsada na sakop ng Barangay Abangan Sur, Marilao, Bulacan kamakalawa ng hapon.
Kaagad na namatay sa pinangyarihan ng aksidente sina Ivan Pantaleon, 4 at pinsan nitong si Gil Pantaleon, 5; samantala, ang utol na batang babae na si Christine Joy, tatlong taong gulang ay inoobserbahan sa ospital.
Nakakulong naman sa himpilan ng Marilao police station ang driver na si Marlon Pinoy, 19, binata ng 114 MacArthur Highway sa bayang ito.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang trahedya dakong alas-tres ng hapon habang naglalaro ang magpipinsan sa gitna ng nabanggit na kalsada.
Hindi na nakontrol ng driver ang manibela ng dyip (CRS-669) kaya nasagasaan ang mga biktima.
May teorya ang pulisya na masyadong mabilis ang pagpapatakbo ni Pinoy sa kanyang minamanehong dyip kaya hindi na naiwasan ang mga biktima bago pa sumalpok sa nakaparadang sasakyan. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am