^

Probinsiya

2 pulis, 2 pa sabit sa kidnapping

-
TANAUAN CITY, Batangas – Tatlong miyembro ng PNP kabilang na ang napatay na pulis-Maynila noong Lunes ng umaga at dalawa pang sibilyan ang nalambat ng mga awtoridad sa lungsod na ito dahil sa pagkakadawit sa kidnapping ng dalawang tinedyer noong Nobyembre 13, 2002 sa Alabang, Muntinlupa City.

Pinangunahan ni P/Supt. Francisco Rodriguez, hepe ng pulis-Tanauan ang pagkakadakip kina SPO3 Jesus Mendoza at SPO2 Roger Paneda na kapwa nakatalaga sa Sto. Tomas, Batangas police station, samantala, si SPO3 Avelino Manalo ng Western Police District (WPD) na pinaniniwalaang utak sa kidnapping ay binistay ng bala ng baril ng tatlong hindi kilalang armadong kalalakihang sakay ng Honda Civic na walang plaka sa isang talyer ng sasakyan noong Lunes bandang alas-8:15 ng umaga at nadamay pa ang mekanikong si Aldrin Solis, 16.

Kinilala rin ang dalawang sibilyang suspek na sina Marilou Nevaja na pinaniniwalaang asawa ng isang opisyal ng pulis sa Camp Crame at Severino Manalo na tiyuhin naman ng napatay na si SPO3 Manalo na positibong itinuro ng mga biktimang sina Ronie Jude, 18 at Mark Stephen Velasco, 16, ng Sto. Tomas, Batangas.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na nag-ugat ang kidnapping makaraang hindi magbayad ng utang ang ina ng dalawang tinedyer na si Judith Velasco ng P3-milyon.

Si Nevaja ay naging tulay sa negosasyon na magbayad si Velasco hanggang sa mapatay si SPO3 Avelino Manalo sa naturang lugar.

Nabatid pa na dakong alas-3 ng hapon nang makatanggap ng tawag sa telepono ang himpilan ng pulisya mula sa hindi nagpakilalang caller na ang mag-utol ay nasa rest house ni Manalo sa Brgy. Pantay Bata, Tanauan, Batangas.

Inabutan pa ng pulis-Tanauan ang mag-utol na nakaposas at positibong itinuro ang mga suspek kabilang na ang dalawang pulis.

vuukle comment

ALDRIN SOLIS

AVELINO MANALO

BATANGAS

CAMP CRAME

FRANCISCO RODRIGUEZ

HONDA CIVIC

JESUS MENDOZA

JUDITH VELASCO

MANALO

TANAUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with