Most wanted nasakote sa Cavite
November 19, 2002 | 12:00am
Tuluyang nasakote ng mga awtoridad ang lider ng kilabot na Bandoy Bicol Robbery Gang na sangkot sa maraming insidente ng panloloob ng mga bangko sa Metro Manila at Camarines Norte matapos ang isang operasyon, sa lalawigan ng Cavite.
Nakilala ang suspek na si Baldomero Quintela, 42, alyas Bandoy, kabilang sa most wanted person sa National Capital Region. Nadakip ito sa kanyang safe house sa may Daang Amaya St., De Roman Subdivision, Tanza, Cavite.
Si Quintela ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas sa Quezon City Regional Court Branch 83 sa kasong robbery in band. Isinagawa ang pagsalakay matapos ang ilang linggong surveillance dito ng mga awtoridad.
Base sa rekord, may patong na P310,000 reward na nakatala sa DILG Memorandum Circular Number 96-196 nitong Sept. 26, 1996 sa ulo ni Quintela.
Nabatid pa na ang suspek ay sangkot sa pitong insidente ng bank robbery simula noong Enero 1993 hanggang Disyembre 1994, sa mga lungsod ng Makati, Quezon at Manila at may 10 pending criminal cases sa mga kasong robbery-in-band at iba pang illegal na aktibidades.
Kabilang din ang Bandoy Bicol Gang sa 18 criminal gangs na target ng PNP na buwagin bilang bahagi ng anti-crime program ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Ilan sa mga kasong kinasasangkutan ng naturang grupo ay ang Equitable Bank sa Quezon Ave., at BPI sa Quezon City, UCPB, at Banco de Oro sa lungsod ng Maynila simula taong 1993 hanggang 1994. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am