Makikipaghiwalay sa live-in tinigok

BACOOR, Cavite – Dahil sa planong humiwalay sa live-in partner ay pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang factory worker na babae, samantala, malubhang nasugatan naman ang umawat na tabloid reporter at ka-relasyon ng biktima na pinagbabaril naman ng hindi kilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa Brgy. Panapaan sa bayang ito.

Binawian ng buhay si Felia Foras, factory worker ng Good Family Village, Brgy. Anabu, Imus, Cavite.

Samantala, si Dindo Capili, reporter ng pahayagang Kabayan at halal na brgy. kagawad sa naturang lugar ay nasa kritikal na kondisyon makaraang saksakin ni Edgar Obligar, live-in partner ng nasawing biktima.

Ayon kay SPO2 Rodolfo Arboleda, umawat si Dindo sa away ng dalawa na naganap dakong alas-6 ng gabi at sa hindi inaasahang pagkakataon ay pinagbabaril naman ng hindi kilalang lalaki si Obligar na ikinasugat nito ng malubha. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments