Nakipag-away sa misis pinatay

GUINOBATAN, Albay – Pinaniniwalaang pakikipag-away sa isang misis ang naging ugat ng kamatayan ng isang 41-anyos na lalaki makaraang pagtatagain ng mister nang nakaaway ng biktima sa Brgy. Travesia sa bayang ito kahapon ng tanghali.

Hindi na umabot pa ng buhay sa JBDM Hospital si Reanto Musa, binata, samantala, ang suspek na kasalukuyang tinutugis ng pulisya ay nakilalang si Jovani Padilla, 29, may asawa at kapwa magsasaka sa nabanggit na barangay.

Base sa impormasyong nakalap ng pulisya, may nakapagsabi sa suspek na may kaaway ang kanyang misis kaya nagmamadaling nagtungo sa kinaroroonan ng asawa.

Base sa ulat, inabutan pa ng suspek na nakikipag-away ang kanyang asawang si Cecil Padilla sa biktima sa hindi nabatid na dahilan hanggang sa maganap ang krimen dakong alas-12:10 ng tanghali. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments