Nang-away ng kainuman tinodas

IMUS, Cavite – Tinambangan at napatay ang isang 40-anyos na mister ng isang 22-anyos na lalaki makaraang makaalitan ng biktima ang ama ng huli sa inuman ng alak sa Brgy. Tanzang Luma 5 sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Ilang tama ng kalibre. 38 baril ang tumapos sa buhay ni Mariano Drio, samantala, ang suspek na mabilis tumakas ay nakilalang si Ariel Nerona na kapwa magkabarangay.

Sa ulat ni PO1 Edgar Nario, nakarating sa kaalaman ng suspek ang ginawang pang-aagrabyado sa ama nito kaya inabangan ang biktima bandang alas-7 ng gabi na naglalakad mag-isa sa nabanggit na barangay saka isinagawa ang krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments