^

Probinsiya

Mag-iina grabe sa granada

-
Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang mag-iina makaraang pasabugan ng granada ng mga hindi kilalang kalalakihan ang bahay ng mga ito habang nanonood ng telebisyon noong Biyernes ng gabi sa Barangay Poblacion, Llorente, Eastern Samar.

Inoobserbahan sa Eastern Samar Provincial Hospital sina Mila Cajigal, 34; Jemel Ann, 12 at Jessica, dalawang taong gulang.

Base sa ulat, natiyempuhang wala sa bahay si T/Sgt. Jesus Cajigal ng 34th Infantry Battalion ng Phil. Army nang isagawa ang krimen bandang alas-7:20 ng gabi noong Biyernes, Nobyembre 15, 2002.

Nagkataon namang nasa loob ng bahay ng pamilya Cajigal ang asawa ng sundalo at dalawa nitong anak na batang babae kaya sila ang nadamay na tamaan ng shrapnel nang sumabog na granada.

May teorya ang pulisya na may matinding galit ang mga hindi kilalang kalalakihan kay T/Sgt. Jesus Cajigal kaya isinagawa ang krimen ngunit nagkataon namang hindi natiyempuhan sa bahay.

Patuloy namang sinisiyasat ng mga imbestigador ang anggulong mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nagsagawa ng pagpapasabog sa bahay ng mga biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

BARANGAY POBLACION

BIYERNES

DANILO GARCIA

EASTERN SAMAR

EASTERN SAMAR PROVINCIAL HOSPITAL

INFANTRY BATTALION

JEMEL ANN

JESUS CAJIGAL

MILA CAJIGAL

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with