Caretaker tinodas habang natutulog

BACOOR, Cavite Tuluyan nang hindi nagising sa kanyang pagkatulog ang isang 28-anyos na lalaki matapos na ito ay pagbabarilin ng suspek habang mahimbing na natutulog kahapon ng madaling araw sa Greenplain, Brgy. Mambog 3 ng bayang ito.

Dead-on-the-spot nang matagpuan ang biktima na nakilalang si Alex dela Cruz, caretaker ng Tagle junkshop na matatagpuan sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni PO1 Ernesto Baysan,na dakong ala-1 ng madaling araw nang matagpuan ng ilang kapitbahay ang duguang katawan ng biktima na nakahandusay sa lapag.

Bago natagpuan ang bangkay ng biktima ilang kapitbahay ang nakarinig ng limang sunod na putok ng baril sa loob ng junkshop at nakita nila na isang lalaki ang mabilis na lumabas. (Ulat ni Lanie M. Sapitanan)

Show comments