CAFGU dedo, anak grabe sa NPA
November 16, 2002 | 12:00am
CAMP CRAME Isang 38-anyos na miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang iniulat na nasawi, samantala, ang anak na batang babae ay malubhang nasugatan makaraang ratratin ng malalakas na kalibre ng baril ng mga rebeldeng New Peoples Army ang kanilang bahay sa Sitio Tinago, Brgy. Tubo-Tubo, Monkayo, Compostela Valley kamakalawa ng umaga.
Si Bernie Lumampao ay nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril, samantala, ang anak nitong si Lady Babe na ngayon ay nasa Tagum Provincial Hospital ay malubhang nasugatan.
Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang pangyayari dakong alas-5:30 ng umaga makaraang magtungo ang mga rebelde sa bahay ng biktima at hinahanap ang biyenan nito hanggang sa isagawa ang krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended