Treasure hunter todas sa bomba
November 16, 2002 | 12:00am
CEBU Dahil sa paghahanap ng kayamanang ibinaon ng mga sundalong Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naging ugat ng kamatayan ng isang treasure hunter at ikinasugat naman ng apat pang iba makaraang sumabog ang pinaniniwalaang vintage bomb na kanilang nahukay sa bayan ng Cordova malapit sa Mactan island noong Huwebes, Nobyembre 14, 2002.
Ayon sa ulat, ang mga biktima ay naghuhukay ng tunnel sa pribadong lupain upang maghanap ng gintong ibinaon ng mga sundalong Hapones.
May teorya ang pulisya na gumamit ng dinamita ang mga biktima ngunit pinabulaanan naman ng sugatang si Edilberto Aniana at nagsabing sumabog ang sinaunang bomba na kanilang nahukay.
Sinabi ni Cordova Mayor Arleigh Sitoy, nadiskubre ng lokal na opisyal ng pamahalaan ang pangyayari matapos na tangkaing lumabas ng bayan ng mga biktima.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended