^

Probinsiya

150 NPA rebels sumuko

-
Umaabot sa 150 miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) at tagasuporta ng maka-kaliwang grupo ang boluntaryong sumuko sa pamahalaan at iniharap kahapon ng mga opisyal ng militar kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Baras, Rizal.

Sa ginanap na simpleng seremonya dakong alas-10 ng umaga sa Brgy. Pimugay sa bayan ng Baras, iprinisinta nina Major Gen. Roy Kyamko, chief ng AFP-Southern Luzon Command, 2nd Infantry Division Chief, Major Gen. Efren Abu at iba pang military officials ang mga nagsisukong rebelde kay Pangulong Arroyo.

Sinabi ni Col. Ruben Clarito, spokesman ng 2nd Infantry Division na nakabase sa Tanay, Rizal na ang grupo ng mga rebelde ay nagsisuko sa batas matapos ang dalawang buwang serye ng negosasyon.

Karamihan umano sa mga nagsisukong rebelde ay mula sa mga liblib na lugar sa mga bayan ng Rodriguez, San Mateo, Tanay, Pililla, Antipolo City, at iba pa na kilalang balwarte ng mga komunistang grupo sa Rizal sa ilalim ng Narciso Aramil Command.

Nabatid pa na ang grupo ay aktibong nag-ooperate sa tri-boundary ng Rizal, Laguna at Quezon.

Inihayag pa ni Clarito na pinagkalooban ang mga nagsisukong rebelde ng P2,500 cash assistance, P4,000 mula sa Philippine Charity Sweepstakes, foodstuffs na personal na iniabot ni Pangulong Arroyo.

Gayundin, ginarantiyahan din ng livelihood assistance ang mga ito upang makapagsimula ng pagbabagumbuhay.

Inamin naman ng mga rebelde sa isinagawang inisyal na interogasyon na nagpasya silang sumuko sa batas matapos na ma-pressure sa opensiba ng militar gayundin, halos wala na umano silang makain sa kabundukan at ideklarang Foreign Terrorist Organization ng Estados Unidos na sinuportahan naman ng 15 member states ng European Union. (Ulat nina Joy Cantos,Danilo Garcia at Lilia Tolentino)

ANTIPOLO CITY

DANILO GARCIA

EFREN ABU

ESTADOS UNIDOS

EUROPEAN UNION

FOREIGN TERRORIST ORGANIZATION

MAJOR GEN

PANGULONG ARROYO

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with