Estudyante nahulog sa pag-angkas sa trak, patay
November 15, 2002 | 12:00am
BOCAUE, Bulacan Isang kabataang estudyante ang iniulat na nasawi makaraang mahulog mula sa inangkasang trak ng soda habang bumabagtas sa kahabaan ng highway na sakop ng Brgy. Bunducan sa bayang ito kamakalawa ng tanghali.
Basag ang bungo dahil sa nasagasan ng hulihang gulong ng trak ang biktimang si Benny de Guzman, 15, mag-aaral ng Lolomboy National Highs School at residente ng Brgy. Bunlo, samantala, tinutugis ng pulisya ang drayber ng trak (CBK-332) na si Marcos Prociuncula, 43, may asawa ng Brgy. Bunlo.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naitala ang pangyayari dakong alas-dose ng tanghali matapos na hindi mapuna ng drayber ng trak ang umangkas na biktima sa tagiliran bago nahulog at nasagasaan ng hulihang gulong kaya napisak at namatay. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest