^

Probinsiya

NPA todas, 2 sundalo sugatan sa sagupaan

-
KAMPO SIMEON OLA, Camarines Norte Isang kasapi ng makakaliwang grupo ang napatay, samantala, dalawang kawal ng 25th Special Forces ng Phil. Army ang nasugatan sa naganap na sagupaan sa Sitio Lidong. Brgy. Bulawan sa Sipocot, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Kinilala ang rebeldeng NPA na napatay na si Ambo Arquezez ng Sandatahang Yunit Propaganda (SYP), samantala, sina Army S/Sgt. Sopriano Teresita at CAFGU Estelito Joven na nakabase sa Brgy. Tara ng naturang lugar ay sugatan sa sagupaang naitala dakong alas-10:30 ng umaga.

Napag-alaman kay Major Jose Broso, nagsasagawa ng combat patrol ang tropa ng militar nang makasalubong nila ang mga armadong rebelde mula sa pangungolekta ng revolutionary tax sa nabanggit na barangay.

Tumagal ng 20 minuto ang palitan ng putok bago nagsiatras ang mga rebelde makaraang matunugang may paparating na back-up na tropa ng militar. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

AMBO ARQUEZEZ

ARMY S

BRGY

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

ED CASULLA

ESTELITO JOVEN

MAJOR JOSE BROSO

SANDATAHANG YUNIT PROPAGANDA

SITIO LIDONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with