Mga pekeng P500, P1,000 bills nagkalat

COTABATO CITY – Tinatayang aabot sa isang dosenang vendor sa dalawang pampublikong palengke ang nabiktima ng sindikato na nagpapakalat ng pekeng P500 at P1,000 bills mula Central Mindanao.

Sinabi ni P/Sr. Supt. Sangacala Dampac, provincial police director na ang nagpapakalat ng mga pekeng pera ay nagpapanggap na mamimili ng iba’t ibang gamit sa palengke at ang iba naman ay nakadamit mayaman saka kumakain sa kilalang restaurant.

Inalerto naman ng opisina ng alkalde ang 37 barangay chairmen na makipagtulungan sa pulisya upang mapigilan ang pagkalat ng mga pekeng pera. (Ulat ni John Unson)

Show comments