Mga pekeng P500, P1,000 bills nagkalat
November 14, 2002 | 12:00am
COTABATO CITY Tinatayang aabot sa isang dosenang vendor sa dalawang pampublikong palengke ang nabiktima ng sindikato na nagpapakalat ng pekeng P500 at P1,000 bills mula Central Mindanao.
Sinabi ni P/Sr. Supt. Sangacala Dampac, provincial police director na ang nagpapakalat ng mga pekeng pera ay nagpapanggap na mamimili ng ibat ibang gamit sa palengke at ang iba naman ay nakadamit mayaman saka kumakain sa kilalang restaurant.
Inalerto naman ng opisina ng alkalde ang 37 barangay chairmen na makipagtulungan sa pulisya upang mapigilan ang pagkalat ng mga pekeng pera. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest