Police chief nanggulpi ng 3 drayber
November 14, 2002 | 12:00am
TAYTAY, Rizal Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin ang isang police chief ng Taytay, Rizal makaraang ireklamo ng panggugulpi at panunutok ng baril sa tatlong kalalakihan kabilang na ang opisyal ng samahan ng traysikel kahapon.
Dumulog sa Rizal Provincial Internal Affairs Service upang magsampa ng reklamo sina Felizardo Bonagua, 53; Reynaldo Butial, 32 at Willie Aure, 42, na pawang residente ng Sitio Kaytikling, Brgy. Dolores sa bayang ito.
Kinilala naman ni P/Supt. Arni Dean Emock ang inireklamong opisyal ng pulis na si P/Supt. Pedro Ganir, hepe ng Taytay police station.
Nag-ugat ang reklamo sa naturang opisyal matapos na iparada nito ang kanyang kotse sa paradahan ng traysikel na nagresulta upang hindi makausad ang mga pumapasadang trike drayber kaya kinatok at pinakiusapan ng mga biktima ang suspek na iusog ang kanyang sasakyan.
Dito na nairita si Ganir hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo at tutukan ng baril, pagtatadyakan at paluin ng cellphone ang mga biktima.
Mariin namang pinabulaanan ni Ganir ang akusasyon ng tatlo dahil sa pinagtatakpan nila ang illegal terminal ng traysikel na kanyang sinita at ang ibang drayber na walang lisensya. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
19 hours ago
Recommended