Sinabi ni Barangay Chairman David Lalusin ng nabanggit na barangay na nagtataka ang mga taga-parokya ng San Antonio de Padua sa malaking pagbabago ng anyo ng rebulto habang nagdaraos ng prosesyon noong Oktubre 27, 2002.
Napag-alaman naman kay Juakina Catibog, caretaker ng San Esteban Chapel na kung saan nakalagay ang rebulto ni Virgin Mary na unti-unti niyang napapansin ang hugis ng tiyan ng naturang rebulto.
Sa araw-araw na nililinis ni Catibog ang rebulto ni Virgin Mary ay lumalaki ang tiyan nito sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Bago pa napansin ni Catibog ang pagbubuntis ng rebulto ay binalewala niya ang kumakalat na balita mula sa parokya na may kakaibang hugis ang tiyan ng naturang imahen dahil sa pawang pagbibiro lamang.
Ngunit siya mismo ang nakasaksi sa paglaki ng tiyan ng rebulto ni Virgin Mary kaya kaagad na kumalat ang balita na parang apoy at dinumog ang naturang chapel.
Binalewala naman ni Msgr. Alfredo Madlangbayan, parish priest ng San Sebastian ang kumalat na balita ngunit hindi naman niya minamasama ang pagbubuntis ng rebulto ni Virgin Mary ay pagbabalik ng tao sa pananampalataya sa Diyos. (Ulat ni Arnell Ozaeta)