Tunawan ng bakal sumabog, 3 todas
November 13, 2002 | 12:00am
SAN SIMON, Pampanga Tatlo-katao ang kumpirmadong nasawi, samantala, anim pa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang sumabog ang tunawan ng bakal sa kanilang pinapasukang pabrika sa Sta. Monica sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni PO2 Angel Pamintuan ang mga nasawing biktima na sina Redentor Basila, 38; Angel Arabaga, 38 at Domingo Pabilada, 48, na pawang manggagawa ng SKK Steel Manufacturing na pag-aari ng isang nagngangalang Lim.
Ang tatlo ay tinamaan ng nagliliyab na tunaw na bakal mula sa sumabog na oven kaya natusta ang buong katawan, samantala, ang anim naman na ngayon ay inoobserbahan sa Makabali Hospital sa San Fernando City ay nakilalang sina Nilo Ramos, Teodorico Gonzales, Alvin Labo, Johnny Relos, Ducal Galicia at Seferico Chua.
Sinabi ni P/Chief Insp. David Briones, hepe ng pulisya sa bayang ito, naitala ang pangyayari bandang alas-3:35 ng hapon matapos na aksidenteng sumabog ang oven na pinagtutunawan ng bakal.
Ayon pa sa ulat, masyadong nag-init ang oven na naging sanhi upang umapaw ang likidong tunaw na bakal saka nagtuluy-tuloy sa mga biktima na hindi na nakaiwas pa.
May palagay ang pulisya na nabutas ang oven bago sumabog at walang naganap na pananabotahe.
Naapula naman ang apoy dakong alas-6 ng gabi dahil na rin sa mabilis na pagresponde ng mga tauhan ng pamatay-sunog.(Ulat ni Pesie Minoza at Ding Cervantes)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended