5 tiklo sa pagnanakaw
November 12, 2002 | 12:00am
GENERAL TRIAS, Cavite Limang kalalakihan na pinaniniwalaang tumangay ng P.3-milyong piyesa sa isang kompanya ang iniulat na nalambat ng pulisya sa isinagawang follow-up operation sa Barangay Manggahan sa bayang ito kahapon ng umaga.
Sa ibinigay na ulat ng pulisya, kinilala ang mga suspek na sina Arnel Fragatan, 28; Bayani Bognales, 29; Vic Galias, 20; Mariano Vigon at Eric Bognales, 35 na pawang residente ng Brgy. Cabuco, Trece Martirez City, Cavite.
Ayon sa pulisya, si Fragatan na naging empleyado ng pinagnakawan nilang kompanya ng Intel Technology Phils. ay nasuspinde bilang electrician kaya binalak at pinangunahan ang pandurugas.
Napag-alaman sa ulat ni SPO1 Roberto Lanzaga na nasabat ang mga suspek habang sakay ng owner-type jeep (PFA-669) sa kahabaan ng Brgy. Manggahan.
Narekober naman ng mga awtoridad ang mga ninakaw na gate valve na nakalagay pa sa kahon at pinalalagay na ibebenta sa ibang kompanya sa mababang halaga. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am