Barangay Chairman itinumba ng kapitbahay

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay chairman ng kanyang kapitbahay na nakaalitan kamakalawa ng madaling-araw sa Jolo, Sulu.

Si Salvador Suandi ng Brgy. Tingal Manubul, Pandami ay itinumba ng kanyang kapitbahay na si Rony Kintabi at ngayon ay tinutugis ng pulis-Pandami.

Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, pinalabas ng suspek ang biktima sa sariling bahay upang komprontahin bandang alas-dos ng madaling-araw.

Ngunit hindi pa nakababa ng hagdan ang biktima ay pinagbabaril na ng suspek na pinalalagay na may kaugnayan ang krimen sa nakalipas na barangay elections. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments