^

Probinsiya

Curfew ng kalabaw sa Cagayan

-
TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Ipinatutupad na ang malawakang curfew ng mga kalabaw sa iba’t ibang bayan ng ikatlong distrito ng lalawigang ito mula ika-8 ng gabi hanggang ika-4 ng madaling araw.

Ang kakaibang kautusan ay nakalaman sa barangay ordinance na mahigpit na ipinatutupad sa 40 barangay sa mga bayan ng Enrile, Amulong, Solana, Penablanca, Tuao, Iquig at Tuguegarao City.

Ito ay bunsod ng dalawang buwang pakikipag-talakayan ni Congressman Manuel N. Mamba sa mga barangay officials upang maiparating ang pangangailangan para makagawa ng kaukulang hakbang sa lumalalang problema.

Ang curfew ng kalabaw ay pinaniniwalaang kauna-unahang aksiyong nagawa sa buong Cagayan Valley region. Sa kasalukuyan, maraming bayan din ang matamang nagmamasid sa kahihinatnan ng curfew na magiging batayan upang magpatupad din ng ganitong hakbang sa ibang bayan o barangay.

Batay sa ulat, aabot sa 11 kalabaw gabi-gabi ang nananakaw sa kabila ng paghihigpit na isinasagawa ng kapulisan sa lalawigan ng Cagayan, ayon kay Jacinto G. Meman, chief of staff ni Mamba.

"Dito lamang sa Tuguegarao City, may 9 na kalabaw ang naulat na nanakaw noong nakaraang gabi," sabi pa ni Mamba.

Inaasahang bababa ng mahigit sa 50 porsiyento ang nakawan ng mga kalabaw dahil sa papatawan ng kaukulang kaparusahan ang sinumang magta-transport ng nasabing hayop sa oras ng curfew ng walang kaukulang papeles.

Patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ni Mamba sa mga opisyales ng barangay upang makagawa ng karagdagang hakbang para matiyak na ang mga talipapa o maliliit na tindahan ng karne ay hindi magagamit na bentahan ng mga kinatay na nakaw na kalabaw. (Ulat ni Lourdes Principe)

vuukle comment

AMULONG

BATAY

CAGAYAN VALLEY

CONGRESSMAN MANUEL N

DITO

ENRILE

JACINTO G

LOURDES PRINCIPE

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with