Hatol na bitay ibinaba sa life ng SC
November 9, 2002 | 12:00am
Mula sa parusang kamatayan ibinaba ng Korte Suprema sa habambuhay na pagkabilanggo ang hatol sa mga akusado sa Payumo massacre kahapon.
Base sa 40 pahinang en banc decision ng Supreme Court (SC) ay ibinaba nito ang hatol kina Maximo, Edmund Delmo at Francisco Lapiz matapos na magkamali ang Laguna Regional Trial Court ng pagbasehan nito ang pagmamalupit sa mga biktima upang hatulan sila ng parusang kamatayan.
Ayon sa Mataas na Hukuman, ang tinamong bilang na saksak ng mga biktima ay hindi nangangahulugan na mayroong pagmamalupit na ginawa ang mga akusado sa mga biktimang sina Nancy Payumo, 40, mga anak nitong sina Joanna Rose, 17; Maria Angela, 15 at John Anton, 13.
Ang pagpaslang sa mga biktima ay naganap noong Setyembre 9, 1995 sa kanilang bahay sa Sta. Rosa Laguna samantalang himala namang nakaligtas ang bunsong anak ni Angelito Payumo at Nancy na si Helen Grace na nagtamo lamang ng isang saksak.
Sinabi ni Associate Justice Leonardo Quisumbing na ang bilang ng tinamong mga saksak ng mga biktima ay hindi nangangahulugan na mayroong pagmamalupit ang mga akusado kahit na nagtamo sila ng sampung saksak.
Ipinaliwanag pa nito na kailangang mayroong ebidensiya na nagpapakita na ang mga akusado ay sinadyang sugatan ang mga biktima upang i-torture sila.
Ayon pa sa Mataas na Hukuman, base na rin sa rekord na nabigong maipakita ng korte na sinadya ng mga akusado na i-torture ang mga biktima kabilang ang nakaligtas na si Helen Grace Payumo na noon ay 11 taong gulang pa lamang ng maganap ang krimen.
Samantala, pinawalang sala naman ng Mataas na Hukuman si Danilo Lapiz matapos na mabigo ang saksi na si Helen Grace na ituro ito na isa sa mga may kagagawan ng krimen gayundin, nabigo ang prosecution na maipakita ang ebidensiya laban dito.
Dahilan dito kung kayat kaagad na ipinag-utos ni Bureau of Correction (Bucor) Director Ricardo Macala na ilabas ng kulungan si Danilo sa loob ng limang araw matapos nitong matanggap ang desisyon. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended