^

Probinsiya

3 holdaper tigok sa shootout

-
Tatlong armadong kalalakihan na pawang kasapi ng kilabot na Prado Gang at kilalang mga holdaper ng mga pampasaherong bus sa kahabaan ng North Luzon Expressway ang napatay sa shootout laban sa pulisya sa Brgy. Sandico, Poblacion Uno, Marilao, Bulacan kahapon.

Walang nakuhang identification cards sa tatlo maliban sa mga tatoo sa kanilang katawan na playboy sa kanang kamay, bulaklak na rosas sa kaliwang braso ang ikalawa at ang ikatlong lalaki naman ay may tatoo na b.d.d sa kaliwang braso.

Ayon sa ulat nina P/Supt. Melchor Reyes, hepe ng Bulacan PNP Task Force Hunter at P/Supt. Anastacio Inoncillo, hepe ng PIIB, namataan nila ang mga suspek sakay ng Toyota Lite Ace (TDB-229) dakong alas-5 ng hapon hanggang sa makipagbarilan.

Nakuha sa mga suspek ang tatlong baril, granada at sketch ng bahay ni Willy Villarica na nagmamay-ari ng mga pawnshop at pinaniniwalaang papasukin bago pa maganap ang barilan. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

ANASTACIO INONCILLO

BULACAN

EFREN ALCANTARA

MELCHOR REYES

NORTH LUZON EXPRESSWAY

POBLACION UNO

PRADO GANG

TASK FORCE HUNTER

TOYOTA LITE ACE

WILLY VILLARICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with