Presidente ng shooter's club, misis dinedo ng sharpshooter na vendor
November 8, 2002 | 12:00am
SAN FERNANDO CITY, Pampanga Pinaniniwalaang paghihiganti ang naging motibo para tambangan at mapatay ang mag-asawa ng sharpshooter na vendor habang nasa harap ng kanilang bahay sa Dalisay St., Pilar Village, Barangay San Isidro sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Sr. Supt. Sonny Cunanan, hepe ng pulisya sa lungsod na ito ang mga biktimang sina Dr. Ricardo Martin, 40, presidente ng Pampanga Shooters Club at asawang si Maricris Nicdao Martin, 40.
Napag-alaman sa ulat na si Ricardo ay kilalang sharpshooter sa kanilang lalawigan at bukod sa pagiging opisyal ng naturang club ay isa rin siyang veterinarian at confidential agent ng National Bureau of Investigation (NBI) at miyembro ng NPI Agents Club.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, si Ricardo ay nagtamo ng limang bala sa katawan, samantala, si Maricris naman ay anim.
Positibo naman nakilala ng katulong ng mag-asawa ang suspek na isang alyas Abel na pinaniniwalaang miyembro rin ng Pampanga Shooters Club at pinalalagay na vendor ngunit sharpshooter din.
Nabatid pa na kararating pa lamang ni Ricardo sa kanilang bahay dakong alas-8 ng gabi at balak na sunduin ang asawa sa Jezza restaurant ng mamataan ang suspek na sakay ng motorsiklo at nakaparada sa harap ng bahay.
Ayon pa sa ulat, kinompronta ng biktima ang suspek ngunit sa hindi nabatid na dahilan ay umalingawgaw ang sunod-sunod na putok hanggang sa usisain naman ni Maricris na bitbit ang anak ngunit pinagbabaril din at hindi tinamaan ang bata. (Ulat nina Ding Cervantes at Pesie Miñoza)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended