MILF lumusob, 10 katao patay
November 8, 2002 | 12:00am
Sampu katao ang kumpirmadong napatay makaraang lusubin ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang isang barangay sa Lanao del Sur noong Martes ng hapon. Nobyembre 5, 2002.
Napag-alaman sa ulat na kabilang sa napatay ay ang kumander ng MILF na si Hadji Said Cali, samantala, bineberipika pa ang mga pangalan ng ibang napatay na pawang residente ng Brgy. Tangkal, Tubaran, Lanao del Sur.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nagtungo si Cali at dalawang kasamang rebelde sa nabanggit na barangay dakong alas-5:30 ng hapon nang nakasalubong ang ilang kagawad ng pulis Tubaran .
Dahil sa may dalang armas ang tatlo ay sinita ng pulis kaya nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa magkaputukan saka bumulagta ang mga rebelde.
Nakaabot naman sa mga tauhan ni Cali ang pangyayari kaya inatake ng may 200 rebelde ang naturang barangay saka nakipagbarilan sa mga pulis hanggang sa rumesponde ang tropa ng militar at nakipagsagupaan na rin bago nagsiatras ang mga MILF rebels.
Patuloy namang tinutugis ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang mga rebelde sa hindi ibinunyag na direksyon upang hindi maantala ang isinasagawang operasyon. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
10 hours ago
Recommended