Isinugod pa sa Family Care Hospital ang biktimang si Rev. Fr. Major Fortunato Ibasco ng kanyang dalawang kapatid ngunit idineklarang patay.
May teorya ang mga imbestigador na ang 43-anyos na biktima na nakatalaga sa Villamor Air Base, Pasay City ay nag-suicide o aksidenteng nabaril ng hindi pa nakikilalang salarin dahil natagpuan ang baril na ginamit sa krimen sa tabi ng bangkay.
Tumangging magbigay ng pahayag ang mga kamag-anak ng bikitma sa mga imbestigador ngunit sinabi ni Leila Hermosa, katulong ng chaplain na bago pa makarinig siya ng putok ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang isang alyas Manette Ibasco at Fr. Fortunato sa loob ng bahay.
Nanatiling nakatulala si Manette na pinaniniwalaang nasa kinaganapan ng krimen.
Hinihintay naman ng pulisya ang resulta ng paraffin test sa dalawang kamay ng biktima mula sa Camp Vicente Lim, Calamba City upang madetermina kung nagpaputok ng baril.
Base sa inisyal na nakalap na impormasyon ng pulisya, ang biktima ay right-handed at hindi makapaniwala na magbaril ang chaplain sa kaliwang sintido ng kanyang kanang kamay. (Ulat ni Rene Alviar)