^

Probinsiya

Ex-bodyguard ni Gringo todas sa ambus

-
BACOOR, Cavite – Tinambangan at napatay ang dating bodyguard ni Senator Gregorio "Gringo" Honasan ng tatlong hindi kilalang armadong kalalakihan habang naglalakad kasabay ang kanyang misis at bayaw papauwi mula sa simbahan kahapon ng umaga sa Brgy. Zapote Tres sa bayang ito.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Perpetual Help Medical Hospital ang biktimang si Edgar Ledesma ng nabanggit na barangay.

Samantala, dalawa sa tatlong hindi kilalang lalaki ay sumakay ng motorsiklo (YH-5528), habang ang isa naman ay palakad na lumayo sa pinangyarihan ng krimen.

Base sa ulat ng pulisya, naglalakad ang biktima mula sa simbahan ng Zapote kasabay ang kanyang misis na si Noemi Ledesma at bayaw na si Daniel Aguilar nang biglang lapitan ng tatlong kalalakihan.

Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril bago bumulagta ang biktima na may tama ng bala sa likurang bahagi ng ulo.

Kasalukuyan naman inaalam ng mga imbestigador ang motibo ng pamamaslang kung may kaugnayan sa pagiging miyembro ng Phil. Navy o sa pagiging dating bodyguard ni Senator Honasan. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BRGY

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

DANIEL AGUILAR

EDGAR LEDESMA

NOEMI LEDESMA

PERPETUAL HELP MEDICAL HOSPITAL

SENATOR GREGORIO

SENATOR HONASAN

ZAPOTE TRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with