^

Probinsiya

Barangay Chairman binanatan ng NPA, todas

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Muli na namang bumanat ang mga rebeldeng New People’s Army matapos na pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang barangay chairman sa bayan ng San Jose, Tarlac noong Sabado, Nobyembre 2, 2002.

Sa ulat na isinumite kay P/Senior Supt. Mario Sandiego, Tarlac police director, kasalukuyang nagbibilad ng palay ang biktimang si Domingo Gonzales kasama ang kanyang asawa at pitong tauhan sa barangay road na sakop ng Iba, San Jose nang biglang sumulpot ang tatlong kalalakihang nakasumbrero at maskara bago sunud-sunod na nagpaputok.

Matapos isagawa ang pamamaril ay nagsitakas ang mga rebelde sa direksyon ng katimugang bahagi ng nabanggit na lugar.

Kaagad naman dinala ang biktima sa Central Luzon Doctor’s Hospital sa Tarlac City ngunit idineklarang patay ng mga doctor.

Kasalukuyan naman sinisilip ng pulisya ang ilang anggulo sa naganap na pamamaslang sa biktima. (Ulat ni Ric Sapnu)

CENTRAL LUZON DOCTOR

DOMINGO GONZALES

KAAGAD

MARIO SANDIEGO

NEW PEOPLE

RIC SAPNU

SAN JOSE

SENIOR SUPT

TARLAC

TARLAC CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with