Kinilala ang mga nasugatang biktima na sina PO3 Edgar Lazaro at PO1 Benito Arances, kapwa miyembro ng Guihulgan Municipal Police Station.
Base sa ulat ng pulisya, isang malakas na pagsabog ang sumambulat dakong alas-10:45 ng gabi sa loob ng Guihulgan Municipal Police Station. Dito na kumalat ang apoy na dulot ng naturang pagsabog.
Nagtamo naman ng pinsala sa katawan ang dalawang pulis na kasalukuyang naka-duty nang maganap ang pagsabog ngunit agad rin namang nakalabas ng istasyon.
Agad namang rumesponde ang mga pamatay sunog kung saan nailigtas na matupok ang buong istasyon ng pulisya ngunit nilamon naman ng apoy ang ilang armas, mga bala at mga police equipment sa loob ng istasyon.
Patuloy pang nagsasagawa ng masusing pagsisiyasat ang mga awtoridad hinggil sa naturang insidente kung saan hinihinala na maaaring isang granada ang sumabog o electrical appliance na sumiklab sa short circuit. (Ulat ni Danilo Garcia)