Ka Roger, NPA commanders at 40 miyembro namataan
November 2, 2002 | 12:00am
Kasalukuyan ngayong red alert ang buong puwersa ng Cavite PNP partikular sa mga sementeryo sa buong lalawigan hinggil sa nakalap na impormasyon na namataan sa magkatabing Bayan ng Maragondon at Magallanes, Cavite ang 40 miyembrong grupo ng mga NPA na pawang mga armado ng matataas na kalibre ng baril, habang sa lungsod ng Tagaytay ay namataan si Ka-Roger kasama ang tatlo pang mga NPA commander.
Sa radio message na natanggap ng Provincial Office na nakabase sa Camp Pantaleon Garcia, Imus Cavite, namataan ng mga residente dito ang 40 katao na pawang mga miyembro ng NPA at may mga dalang armas sa boundery ng Bayan ng Maragondon at Magallanes.
Kasunod nito ay nakatanggap din ang Tagaytay PNP ng mensahe na namataan naman si Ka Roger na may kasamang tatlo pang mga NPA commanders. Plano umano ng mga ito na salakayin ang ilang bayan ng lalawigang ito at samantalahin ang paggunita ng undas upang makapag-hasik ng lagim na paaabutin umano ng tatlo araw.
Agad namang inalerto ni Cavite Provincial Director Sr. Supt. Samuel Pagdilao, ang buong puwersa ng kapulisan at maigting na binabantayan ang lahat ng sementeryo sa lalawigan ng Cavite. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest