Radio station, simbahan tinaniman ng bomba
November 2, 2002 | 12:00am
Nabigo ang mga terorista na maghasik ng lagim makaraang matuklasan ang dalawang bombang itinanim ng mga ito sa isang radio station at simbahan kahapon ng umaga sa Tawi-Tawi.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng umaga ng matuklasan ang mga homemade dynamite na nakatanim sa DXGD Radio Station at sa compound ng isang Catholic church sa Brgy. Pag-asa, Bongao, Tawi-Tawi.
Isang tawag sa telepono ang natanggap ng Bongao Municipal Police Station mula sa tauhan ng DXGD kaugnay ng bombang natagpuan sa compound nito.
Mabilis na rumesponde ang pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar at tinungo ang dalawang lugar na naiulat na mayroong nakatanim na bomba.
Dalawang homemade dynamite na nakalagay sa plastic container ng mineral water at sa isang bote na mayroong dalawang blasting caps sa loob ng Chapel B. ng Multi-Purpose hall ng simbahan.
Wala namang maiturong mga suspek ang mga tauhan ng naturang istasyon at simbahan kung sino ang nagtanim ng nasabing bomba, gayunman ay hinihinalang mga tauhan ng Abu Sayyaf ang may kagagawan nito.
Inaasahang marami ang masasawi kung natuloy ang pagsabog ng mga itinanim na bomba dahil puno ng empleyado ang istasyon ng radyo at gayundin ang simbahan na nagdarasal sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.(Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended