^

Probinsiya

Kinidnap na trader pinalaya na

-
LINGAYEN, Pangasinan – Walang kamalay-malay ang kapulisan ng Region 1 sa naganap na pagpapalaya sa kinidnap na trader noong Sabado ng Setyembre 14 na pinaniniwalaang nagbayad ng malaking halaga saka ibinababa sa Victoria, Tarlac, ayon sa ulat kahapon.

Hindi naman kinumpirma ng pamilya ng kinidnap na si Gina Liu So na nagbayad sila ng ransom money sa mga kidnaper, maging ang kapulisan ng Region 1.

Kinumpirma naman ni P/ Sr. Supt. Mario Sandiego, Tarlac provincial police director na si So ay pinalaya noong Martes ng madaling-araw, Oktubre 29, 2002 at naibigay na sa mga miyembro ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) upang makakuha ng impormasyon sa naganap na kidnapping.

Sinabi naman ni P/Sr. Supt. Paterno Hernandez, hepe ng Regional and Intelligence and Investigation Division na nahirapan sila sa follow-up operation dahil na rin sa hindi nakipag-ugnayan ang pamilya ni So na may-ari ng Golden Lumber at construction supplier sa Carmen.

Hindi naman nabatid ng mga awtoridad ang halaga na ibinigay ng pamilya So sa mga kidnaper dahil sa pangambang malagay sa bingit ng alanganin ang buhay ng biktima. (Ulat ni Myds Supnad)

GINA LIU SO

GOLDEN LUMBER

KINUMPIRMA

MARIO SANDIEGO

MYDS SUPNAD

OKTUBRE

PATERNO HERNANDEZ

POLICE ANTI-CRIME EMERGENCY RESPONSE

REGIONAL AND INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

SR. SUPT

TARLAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with