^

Probinsiya

Sekyu patay, 2 grabe sa nag-amok na NBI agent

-
Isang security guard ng beach resort ang kumpirmadong napatay, samantala, dalawang iba pa ang malubhang nasugatan makaraang magwala at mamaril ang senglot na lalaking nagpakilalang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) kamakalawa ng gabi sa bayan ng Ascion, Negros Occidental.

Si Eddie Calumpang, security guard ng El Captain del Mar Beach Resort ay napuruhan ng bala ng baril ng suspek na si Alexander Lajot, 36, nakatalaga sa NBI Dumaguete Field Office at residente ng Brgy. Ara ng naturang bayan.

Samantala, isinugod naman sa ospital ang malubhang nasugatang sina Noel Barredo at Jose Amatong.

Si Lajot ay kasalukuyang nakakulong sa police detention cell matapos na makorner ng mga nagrespondeng pulis.

Napag-alaman sa ulat na dumating ang suspek na may kasamang tatlong hindi nakilalang lalaki at tatlong babae sa nabanggit na beach resort saka nagsimulang mag-inuman ng alak.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, namataan ni Lajot ang biktimang nasawi at inalok na makitagay sa inuman ngunit tumanggi dahil sa naka-duty na siya bilang guwardiya.

Nairita ang suspek sa pagtanggi ng biktima kaya nagwala at namaril hanggang sa maganap ang trahedya bandang alas-12 ng hatinggabi. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALEXANDER LAJOT

DANILO GARCIA

DUMAGUETE FIELD OFFICE

EL CAPTAIN

JOSE AMATONG

MAR BEACH RESORT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NEGROS OCCIDENTAL

NOEL BARREDO

SI EDDIE CALUMPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with