Hindi na umabot pa ng buhay sa Rivera Clinic and Hospital si Roco Borja, samantala, si Jaynes de Guzman, 18 ay nasa kritikal na kondisyon. Kaagad namang sumuko sa pulisya ang suspek na si PO2 Gores Joel Salaysay na nakatalaga sa Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) sa Davao City.
Sa nakarating na ulat sa Camp Crame, naitala ang krimen bandang alas-9:45 ng gabi matapos na komprontahin ni Salaysay ang dalawa dahil na ginawang pambabato sa kapatid niya ngunit sa halip na magpaumanhin ay binato rin si Salaysay kaya pinaputukan nito ang dalawa. (Ulat ni Danilo Garcia)