Nambato sa pulis tinodas
October 30, 2002 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 33-anyos na lalaki, samantala, malubhang nasugatan naman ang kasamahan nito makaraang pagtripang batuhin ng mga biktima ang mag-utol na ang isa ay kagawad ng pulisya sa Purok 7, Brgy. Mangalkal, Carmen, Davao del Norte kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Rivera Clinic and Hospital si Roco Borja, samantala, si Jaynes de Guzman, 18 ay nasa kritikal na kondisyon. Kaagad namang sumuko sa pulisya ang suspek na si PO2 Gores Joel Salaysay na nakatalaga sa Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) sa Davao City.
Sa nakarating na ulat sa Camp Crame, naitala ang krimen bandang alas-9:45 ng gabi matapos na komprontahin ni Salaysay ang dalawa dahil na ginawang pambabato sa kapatid niya ngunit sa halip na magpaumanhin ay binato rin si Salaysay kaya pinaputukan nito ang dalawa. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest