^

Probinsiya

CAT officer dinedo sa loob ng campus

-
MEXICO, Pampanga – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang commanding officer ng Citizen’s Army Training (CAT) ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki sa loob ng campus ng St. Joseph Academy na ikinasugat din ng isang estudyante kamakalawa sa bayang ito.

Base sa ulat ng pulisya, pumasok sa naturang eskuwelahan ang dalawang hindi kilalang armadong lalaki at hinahanap si Arnulfo Sudoria ng Brgy. Sta. Ines, Bacolor, Pampanga.

Namataan naman ng dalawa ang biktimang si Sudoria na nagtuturo sa grupo ng mga estudyante kaya kaagad nilang tinungo at isa sa killer ay nagbunot ng kalibre .45 baril bago pinaputukan ng sunud-sunod ang biktima.

Ayon pa sa pulisya, tinamaan naman ng ligaw na bala ng baril si Regino Lacson ng Brgy. St. Domingo kaya nagpulasan ang mga estudyante upang magtago.

Sinamantala naman ng dalawang killer ang pagkakataong nagkakagulo at mabilis na tumakas sa hindi nabatid na direksyon.

Sinabi naman ng mga imbestigador na may impormasyon na silang nakalap sa pagkikilanlan ng mga suspek ngunit hindi ibinunyag ang mga pangalan upang hindi mabulilyaso ang follow-up operation laban sa dalawa. (Ulat ni Ding Cervantes)

ARMY TRAINING

ARNULFO SUDORIA

AYON

BACOLOR

BRGY

DING CERVANTES

PAMPANGA

REGINO LACSON

ST. DOMINGO

ST. JOSEPH ACADEMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with