NPA kumander, 9 kasamahan sumuko

Matinding demoralisasyon sa hanay ng kilusang makakaliwa at kawalan ng pagkain ang nagbunsod sa isang New People’s Army (NPA) kumander at siyam nitong kasamahan ang sumuko sa kampo ng 28th Infantry Battalion ng Phil. Army sa Purok 8, Barangay Mati-I, San Francisco, Agusan del Sur.

Kinilala ang mga rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan na sina NPA Kumander Bardo Bando, Ernesto Bando, Mariano Sallo Jr., Rogelio Parejo, Marcelino Lawang-on, Benjamin Delfin, Leonilo Gudilos, Antonio Sallo, Lito Dizon at Victor Tabalos.

Sa nakarating na ulat sa Camp Aguinaldo, kasabay na isinuko ng mga rebelde ang kanilang mga armas.

Inamin naman ng mga nagsisukong rebelde na tumitinding demoralisasyon sa kanilang liderato ng partido komunista ang nagbunsod sa kanilang magbalik-loob sa gobyerno. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments