Pananabotahe sa Smart cell site napigilan
October 28, 2002 | 12:00am
Napigilan ng tropa ng militar ang muling paghahasik ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) matapos tangkaing sunugin ang pasilidad ng Smart Telecommunication sa Guinobatan, Albay noong Sabado ng gabi.
Sa isinumiteng ulat kahapon sa Camp Aguinaldo, bandang alas-10:40 ng gabi nang salakayin ng 20 armadong rebeldeng komunista ang Smart Communication Facilities sa Barangay Travesia sa nasabing bayan.
Sumalakay ang mga rebelde ngunit nagkataon namang nakatanod ang mga elemento ng Armys 22nd Infantry Battalion kasama ang puwersa ng mga miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Units (CAFGU) sa palibot ng naturang telecommunication facility.
Nagkaroon ng palitan ng putukan hanggang sa umatras ang mga rebelde.
Base sa nakalap na intelligence report, plano ng mga rebelde na sunugin at sirain ang naturang cellsite dahil sa patuloy na pagtanggi ng kumpanya na magbayad ng revolutionary tax sa komunistang kilusan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest