Kinidnap na estudyante pinalaya na
October 25, 2002 | 12:00am
Pinalaya na rin kamakalawa ng gabi ang anak ng Tsinoy trader na kinidnap ng mga hindi kilalang kalalakihan habang papalabas ng Chinese Community High School sa Iloilo City noong Miyerkules, Oktubre 16, 2002.
Si Jefferson Tan, 13, estudyante ang nabanggit na eskuwelahan ay pinaniniwalaang pinalaya matapos na makapagbayad ng hindi nabatid na ransom sa mga nadakip na kidnaper na sina Alfred Alquelar, Lester July Lapasaran, Jeffrey Sarmiento, Marlon Soryoso, Jennifer Bicodo at Ely Bernales.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, kinumpirma naman ni P/Chief Supt. Marcelo Navarro na pinalaya ang biktima bandang alas-siyete ng gabi at mariing sinabi na walang ibinayad na ransom money ang pamilya ni Jefferson.
Dahil sa follow-up operation ng mga awtoridad ay nalambat naman ang mga suspek sa kanilang pinagkukutaan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest