^

Probinsiya

Binatilyo patay sa granada

-
ANTIPOLO CITY – Isang 16-anyos na binatilyo ang kumpirmadong nasawi, samantala, tatlong iba pa ang malubhang nasugatan makaraang sumabog ang nadiskubreng granada mula sa bakanteng lumang bahay sa Sitio Sto. Niño, Brgy. Mayamot sa lungsod na ito kahapon.

Si Anthony Celedonio ay nagkagutay-gutay, samantala, sina Rodrigo, Reymart de Guzman at isa pang hindi nabatid ang pangalan ay nasa kritikal na kondisyon.

Sa inisyal na ulat ng pulis-Antipolo, naitala ang pangyayari bandang alas-3:40 ng hapon makaraang paglaruan at inalisan ng pin ang granada.

Bago pa sumabog ang granada ay nagkatuwaan ang mga biktima na mag-inuman ng alak hanggang sa makarinig na lamang ang mga residente ng malakas na pagsabog sa nabanggit na bahay. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BRGY

GUZMAN

ISANG

JOY CANTOS

MAYAMOT

REYMART

RODRIGO

SI ANTHONY CELEDONIO

SITIO STO

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with