^

Probinsiya

3 kidnaper naaresto

-
DASMARIÑAS, Cavite – Tatlo sa anim na kalalakihan na pinaniniwalaang dumukot sa negosyanteng babae noong Lunes, Oktubre 21, 2002 ang iniulat na nasakote ng mga awtoridad makaraang matunton ang pinagkukutaan sa Brgy. Datu Esmael sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Mamayo Sarangan, Lago Diamla at Yasser Palman na pawang residente ng Block 48 Lot 29, Brgy. Datu Esmael, DBB ng naturang lugar.

Sinabi ni P/Supt. Roberto Soriano, hepe ng Dasmariñas police station, kinidnap ng tatlo si Lourder Santiago, nagmamay-ari ng jewelry shop sa Angeles City, Pampanga saka dinala sa kanilang safehouse sa nabanggit na barangay.

Nagbigay naman kaagad ang pamilya ng biktima ng P.1-milyon ransom sa pinagkasunduan lugar sa kilalang hotel sa Pasay City at pinalaya naman si Santiago.

Lingid sa mga suspek ay nakipag-ugnayan na ang pamilya ng biktima sa pulis-Dasmariñas na sina SPO1 Reynito Santiaguel, PO3 Celestino San Jose, PO2 Marcelino Garcia at PO1 Edwin Sotto kaya nasundan ang kumuha ng ransom na nagresulta upang madakip ang tatlo.

Nakumpiska sa safehouse ng mga suspek ang iba’t ibang uri ng malalakas na kalibre ng baril at P40,000 na pinaniniwalaang bahagi ng pinagpartihang ransom money. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

ANGELES CITY

BRGY

CELESTINO SAN JOSE

CRISTINA GO-TIMBANG

DASMARI

DATU ESMAEL

EDWIN SOTTO

LAGO DIAMLA

LOURDER SANTIAGO

MAMAYO SARANGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with