^

Probinsiya

Fetus kinain ng ina!

-
MALOLOS,Bulacan – Animo’y hayok sa karne ng tao ang isang 32-anyos na babae na pinaniniwalaang may kapansanan sa pag-iisip makaraang kainin nito ang iniluwal na tatlong buwang fetus habang nasa loob ng Bulacan Provincial Hospital sa Barangay Mojon, Malolos, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Kasalukuyang inoobserbahan sa nabanggit na ospital si Marilou Pante ng Brgy. Caypombo, Sta. Maria, Bulacan, samantala, ang tatlong buwang fetus na tanging ulo at dalawang kamay na lamang ang nalabi ay naisalba naman ng mga tauhan ng naturang ospital.

Mabilis naman kumalat na parang apoy ang balita sa loob ng naturang ospital at sa mga residente ng nabanggit na bayan na pinalalagay na nabaliw si Pante kaya nagawang kainin ang sariling anak.

Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, si Pante ay dinala sa nabanggit na ospital noon pang Sabado, Oktubre 19, 2002 upang operahan sa apendisitis.

Napag-alaman pa na si Pante ay tatlong buwang buntis at habang nasa observation room noong Miyerkules ng hapon dahil sa natapos na operahan ay biglang nagwala at nagtatalon na naging sanhi upang malaglag mula sa sinapupunan ang fetus.

Kaagad naman tumawag ng saklolo ang helper na si Jun Gonzales upang pigilan ngunit nang bumalik sa observation room kasama na ang tauhan ng ospital ay inabutan nilang kinakain na ni Pante ang fetus.

Ikinatuwiran naman ni Pante na gusto lamang niyang ibalik sa kaniyang tiyan ang fetus kaya niya kinain.

Mabilis naman naisalba ang ilang natitirang bahagi ng katawan ng fetus at pinalalagay na nawala sa sariling bait si Pante sanhi na rin ng mapait na karanasan sa kanyang buhay.(Ulat nina Danilo Garcia at Efren Alcantara)

BARANGAY MOJON

BULACAN

BULACAN PROVINCIAL HOSPITAL

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

EFREN ALCANTARA

JUN GONZALES

MABILIS

MARILOU PANTE

PANTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with