Binata itinumba ng karibal

TALUGTUG, Nueva Ecija – Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang 20-anyos na binata matapos pagbabarilin ng kanyang karibal sa panliligaw habang ang biktima ay naglalakad sa kahabaan ng Barangay Mayamot Uno sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay sa Dr. Paulino J. Garcia Hospital sa Cabanatuan City na nakilalang si Reynaldo F. Martinez, 20, binata, samantala, mabilis namang tumakas ang mag-utol na suspek na sina Freddie at Apolonio Lomboy ng Brgy. Villa Santos, Muñoz Science City.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya, isa sa mag-utol ay nasaksak ng nasawing biktima matapos manlaban kahit na sugatan si Martinez. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments